MANILA, – Tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas na magbibigay ng tulong ang pamahalaan sa pamilya ng mga pulis na namatay at nasugatan sa Mamasapano, Maguindanao.
Ito’y bukod sa pakikiramay ng buong pamunuan ng National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government, ani Roxas.
Aniya, hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga naulilang pamilya ng Special Action Force (SAF) Unit ng PNP.
“Makakaasa kayo na hindi po kayo iiwan. Lahat po ng tulong o ayuda na karapat-dapat sa inyo ay sisiguruhin natin na makakarating,” sinabi ni Roxas.
Inatasan naman ng kalihim si Director Rolly Puruganan, Chief of Directorate for Comptrollership para pangunahan ang pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng 44 na PNP-SAF na napatay sa engkuwentro at sa 12 iba pang operatiba na nasugatan.
Batay sa opisyal na pamahayag ni Roxas, 392 operatiba ng SAF ang kasama sa paghahain ng warrant of arrest sa Malaysian bomb expert at wanted na international criminal na sina Zulkigli Bin Hir o mas kilala sa tawag na Marwan at Basit Usman na umanoy miyembro naman ng Jemaah Islamiyah.
Bukod pa rito, sasagutin din ng pamahalaan ang funeral arrangements ng mga nasawing pulis, gayun din ang iba pang assistance na kailangan ng kaanak ng mga napatay at nasugatang kawani ng PNP. (DILG/RJB/JCP/PIA-NCR)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/261422838085/roxas-pamilya-ng-44-saf-members-di-tatalikuran-ng-gobyerno#sthash.EiGtotaX.dpuf